Kuya Rustum Casia of the United Church of Christ in the Philippines[UCCP]-Kundiman shared this reflection/message during the closing fellowship of the Gender and Development Planning Workshop last June 2022. This workshop was organized by Lingap with the Department of the Interior and Local Government – National Barangay Operations Office to [1] to initiate community dialogue on violence prevention among community leaders and members and [2] to identify action points for partnership/ collaborations.
Inumpisahan natin ang ating dalawang makabuluhang araw sa papamagitan ng isang awitin, ang “Pananagutan”. Binabanggit dito ang pagkakaroon ng malasakit sa ating kapwa. Sabi nga sa awitin, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Bagamat habang iniisip ko, na pwede rin, mayroon ding mga taong nabubuhay para sa sarili lamang, ang inuuna ay sariling kaligayahan, sariling kapakanan, sariling kaligtasan.
Pwede ring mabuhay para sa sarili lamang, pero anong klaseng buhay yun, di ba?
Sinuma rin natin ang mga dakilang utos sa atin ng Panginoon, ang “Wag kang papatay”, “Wag kang magnanakaw” at iba pa sa isang utos, sa isang salita- love o pag-ibig. Na sa lahat ng gagawin mo, kung mayroong pag-ibig, magagawa mo ito nang mahusay at may kaligayahan.
Marami sa narito ang tunay na may malasakit sa kapwa. Mga volunteer, gumagampan nang walang bayad, masaya na siguro sa kaunting meryenda. Buwis buhay, itinataya ang sariling kaligayahan at kaligtasan.
Noong panahon ng pandemya, kitang kita natin ang paglilingkod na ginagawa ng napakaraming Frontliners. Bagamat ang iba ay may sweldo, allowance etc, maliit pa rin ito kung ikukumpara sa maaaring kapahamakan maaari nilang makuha. Napakadali ang isiping unahin ang sarili. Pero higit sa tawag ng tungkulin, nanaig ang pag-ibig sa kapwa, kaya piniling maglingkod.
Ako po ay mula sa United Church of Christ in the Philippines. At nais ko pong ibahagi ang ilang talata mula sa aming Statement of Faith, ang aming saligan ng pananampalataya.
WE BELIEVE. God is at work, to make each person a new being in Christ, and the whole world, God’s kingdom in which love, justice and peace prevail.
The Kingdom of God is present where faith in Jesus Christ is shared, where healing is given to the sick, where food is given to the hungry, where light is given to the blind, and where liberty is given to the captive and oppressed.
Bagamat wala sigurong nagmamadali pero bawat isa sa atin, ito yung minimtihi, ang maranasan ang kaharian ng Diyos. Pero hindi natin kailangang mamatay muna bago marating at maranasan iyon. Kayang kaya natin iyon gawin habang nabubuhay tayo. Dito sa mundong ito.
Naghahari na ba ang Diyos sa panahong ito?
Sa kaharian ba ng Diyos, binubugbog ang babae ng kanyang asawa kapag ayaw makipagtalik?
Sa kaharian ba ng Diyos ginagahasa ng stepfather ang anak ng kanyang kinakasama?
Sa kaharian ba ng Diyos minamaliit ang kakayanan ng isang babaeng pedicab driver?
Sa kaharian ba ng Diyos, inaabuso ng boss ang kanyang kapangyarihan para pagsamantalahan ang nakukursunadahang empleyado?
Sa kaharian ba ng Diyos, naa-appreciate lang natin ang mga kapatid nating nasa LGBTQ community kapag pinapatawa at pinapasaya nila tayo?
Sa kaharian ba ng Diyos hindi maaaring mamuno ang isang babae?
Kung naniniwala tayong ang grasya at pag-ibig ng Diyos ay para sa lahat, “Hindi” dapat ang sagot natin. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para dalhin ang kaharian ng Diyos dito sa lupa.