ni: Bb. Chynie Saguban, Kasapi, Lupon ng mga Katiwala
Halaw mula sa istratehikong plano ng Lingap Pangkabataan noong taong 2017-2021, ang ating hangarin ay sana ‘sa taong 2021, ang mga pangunahing Karapatan ng mga bata ay mapapalaganap, kinikilala at nasisiguro ng komunidad’. Ito ay isang kolektibong hangarin ganundin dasal, kasama ng lahat ng mga batang Pilipino, bilang rights holder, at ang mga katuwang nating may tungkulin na kilalanin, ipalaganap at tupdin ang ating mga karapatan o ang tinatawag nating duty- bearers.
Bilang mga bata, hindi lang tayo simpleng beneficiaries o tagatanggap ng mga benepisyo ng programa at serbisyong iginagawad sa atin. Pagkilala sa Lingap Pangkabataan, bilang isang maka-batang organisasyon, na sa dalawang dekada ay isinusulong ang karapatang ng mga bata, lalo na ang karapatan nating makilahok. Tayo, mga bata, ay katuwang o kabahagi (active partners) sa usapin at gawain ng pag-unlad at pagpapanibago (development at transformation). At sa maraming pagkakataon, lalo na noong simula ng pandemya, tayo ay nanguna sa iba’t ibang gawain sa ating pamayanan.
Kung kaya’t sa pamamagitan ng ulat na ito, nais nating ibahagi ang resulta ng ating mga adbokasiya, pag-sasanay, pakikilahok, pagtutulungan, at pagkilos. Mula sa ating mga pangunahing mga istratehiyang nabanggit, nagkaroon tayo ng mga sumusunod:
Pagpapa-unlad ng kakayahan (Capacity-building). Mga pagsasanay upang mapaunlad ang kakayahan sa pamamagitan ng mga pandayan o workshops na na nagpaunlad at nagpalawak sa kaalaman ng mga kabataan sa kanilang Karapatan at responsibilidad bilang mga kabataan. Dahil dito, napataas din ng mga pandayan ang kanilang kumpiyansa o self-confidence at mas nakita nila ang kanilang purpose na makatulong sa iba hangga’t may maitutulong sila. Bukod pa rito, naging mas open-minded at aware ang mga kabataan sa pag-unawa sa kanilang sarili at sa iba.
Pagsasanay sa iba’t ibang aspeto ng karapatan ng mga bata na nalahukan ng 1,517 na mga kabataan mula 2022 kabilang ang Children’s Rights/UNCRC, Anti-Trafficking in Persons / Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children, Mental Health and COVID-19, Reproductive Health, Pagbabago ng klima (climate change), Pagsasanay sa pag papaunlad sa kakayanang mamuno at mag mobilisa ng mga kabataan at pagiging katuwang ng simbahan sa Vacation Church Schools, Youth Camps, Values formation and spiritual development activities, at iba pa.
Sa pagpapatuloy at pagpapadaloy ng Children’s association sa gabay ng Lingap at katuwang na simbahan, nagkaroon ng mas malalim na samahan at kapatiran ang mga bata sa kanilang mga sarili at sa iba’t ibang sector ng kanilang komunidad. Dahil dito, naging mas willing ang mga bata na lumahok at makipagtulungan sa mga gawaing magpapaunlad sa kanilang grupo. Kung dati ay hindi interesado ang mga kabataan na lumahok sa gawain ng mga CBCAs, ngayon ay aktibo at excited na silang nakikilahok sa mga gawain. Dahil sa mga aktibidad na ito, dumami ang mga barangay na may children’s association. Sa kasalukuyan, 550 ang bilang ng mga children leaders na miyembro at patuloy na nagpapalakas sa kanilang mga association:
- Childrens Association in Balangiga [CAB] sa Barangay 1, Balangiga Eastern Samar
- Christian Youth Fellowship [CYF] sa Barangay 10 Lawaan, Eastern Samar
- Defenders of Children’s Voice sa Bayawan City, Negros Oriental
- Empower, Protect and Include Children [EPIC] Advocacy Group sa Barangay E. Rodriguez Sr, Quezon City
- Escopa Kilos Kabataan para sa Bayan [EKKB] sa Barangay Escopa III, Quezon City
- Loving, Caring Community Children of Baseco [L3CB], Manila
- Shelter Park Youth and Children’s Organization [SPYCO] sa Barangay 170, Caloocan City
- Sta Margarita Youth Group sa Sta Margarita, Quinapondan, Eastern Samar
- Youth Supporting and Promoting Empathy, Action and Knowledge [YSPEAK] sa Barangay 180, Caloocan City
Sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain, patuloy na napapalakas at napapatibay ang mga nabuong samahan ng mga kabataan gaya ng [a] Regular na pagpupulong ng iba’t ibang mga Children’s Association na nakatulong upang makabuo sila ng plano upang mapalakas ang kanilang mga grupo; [b] Paglahok at pagdiriwang ng LPI National Children’s Congress at Children’s Month; [c] Pagsasagawa ng mga kabataan ng learning sessions tungkol sa UNCRC na dinaluhan ng mga church leaders and workers; [d] Paglahok sa mga aktibidad at konsultasyon sa komunidad kung saan napaptibay at naipa-alam ang importansya ng partisipasyon ng mga kabataan; [e] Tsikiting stories kasama ang Unibersidad ng Pilipinas- Los Banos at [f] Kutitap: Isang Piging ng Makabatang Sining ng Cultural Center of the Philippines.
Pagtulong sa mga bata at komunidad. Nakapagplano at nakapagsagawa ng tugon ang mga kabataan sa mga pangangailangan ng kapwa-bata katulong ang barangay at munisipyo.
- Pagpapatupad ng proyekto upang umunlad ang pamayanan katulad ng mga proyektong pagpapakain, urban gardening at community gardens at pagsali sa clean and green campaign na naglalayong mapanatili ang kalinisan sa paligid;
- Pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa mga cross-cutting issues katulad ng gender and development, disaster risk reduction and management, at violence against women and children [including Online Sexual Exploitation and Abuse of Children];
- Pagbibigay impormasyon sa kapwa bata tungkol sa kanilang mga karapatan at iba pang mga adbokasiya sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad katulad ng radio programs, paggawa at pag design ng face mask, posters, at iba pang IECs;
- Regular na pakikilahok sa gawain sa komunidad;
- Pagbabahagi ng mga laruan at supplies sa mga kabataan lalo na sa panahon ng kalamidad;
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nakatulong sila sa mahigit 2000 na bata sa kanilang komunidad. Malaki ang naitulong ng mga gawaing ito sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga kabataan sa kanilang karapatan na hindi kahon sa pagbibigay ng learning sessions kung hindi gamit din ang iba’t ibang pamamaraan, katulad ng sining at isports. Malaking tulong din ang mga gawaing ito lalo na noong pandemya sa pagpapatibay ng mental health ng mga kabataang hindi makalabas ng bahay. Dahil din sa pandemya, mas lumaki ang risk sa mga kabataan na maabuso, lalo na online kaya naman napakalaking bagay na mayroong mga gawain ang mga bata na naglalayong mabawasan at mapigilan ang kaso ng pang-aabuso sa mga bata online. Nakapag-ambag din ang mga gawaing ito sa sosyo-ekonomikal na kalagayan ng kani-kanilang komunidad kung saan nagkaroon sila ng dagdag na pinagkakakitaan at natulungan nila ang kapwa nilang bata na makakuha ng supplies na gagamitin sa kanilang pag-aaral.
Mga Hamon
Mula taong 2020 maraming kabataan ang nakaranas ng malaking hamon. Labis na naapektuhan ang lahat ng kasalukuyang pandemiya ng COVID-19 kung saan dumami ang kaso ng pagkabalisa at depresyon at lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng pag-iisip nating mga kabataan. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 21% ang kaso ng depresyon sa Pilipinas noong 2020.
Dumami din ang bilang ng mga batang nakaranas ng Online Sexual Abuse and Exploitation o OSAEC. Ayong sa isang ulat ng International Justice Mission, nakapagtala ng 277 na kaso ng OSAEC sa Pilipinas noong taong 2020 kung saan mayroong 85% na biktima na babae at sa pagitan ng edad na 12-15.
Dagdag pa dito ang pagdami ng mga magulang na nawalan ng trabaho, na naging sanhi ng kakulangan sa pagkain at iba pang pangangailangan. Ayong sa Department of Labor and Employment, tumaas ng 17.7% ang unemployment rate sa bansa noong taong 2020.
Kabilang pa din sa mga hamon ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 na nagdulot ng pagkawala ng buhay at epekto sa kalusugan. Wika nga ng isang kasama nating bata, hindi man lang niya nakita ang kanyang lola na namatay dahil sa COVID-19 at labis niya itong kinalungkot.
Dumagdag pa ang mga hamon nating mga bata sa larangan ng edukasyon. Ang online classes ay isa na dito sapagkat hindi lahat ay mga sapat na kagamitan at magandang koneskyon sa internet, na naging dahilan ng hindi epektibong pag-aaral at hindi sapat na kaalaman sa paggamit ng teknolohiya. Isa, sa panig ng mga bata at ikalawa ang kanilang mga gabay sa bahay tulad ng magulang, tagapangalaga gaya ng mga nakatatandang kapatid o kamag-anak.
Mga Hakbang Pasulong
Upang malampasan ang mga hamong ito, mahalagang masiguro na may sapat na suporta sa mga kabataan para sa kanilang mental health at kahandaan sa pagtugon sa mga peligro ng OSAEC. Mahalaga rin na maglaan ng sapat na suporta para sa mga pamilyang nawalan ng trabaho at mayroong kawalan sa pinansyal na kakayahan lalo ngayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at tumutulak sa pataas sa antas ng inflation.
Mahalagang masiguro rin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kabataan sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic lalong higit sa pag-usbong ng mga bagong variants na nagbubunsod ng pagtaas ngayon sa bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19.
Sa kabuuan, mahalagang maglaan ng sapat na suporta sa mga kabataan upang malampasan ang mga hamong kinakaharap nila. Mahalagang isagawa ang ECCAP Strama o Strategic Management bilang tukoy na gawain ng Enhancing Children’s Capacities for Advocacy and Participation [ECCAP] isa sa ating pangunahing programa sa bagong Lingap Strategic Plan 2022-2027.
Kaugnay nito, karangalan naming ipanukala sa ating Pangkalahatang Kapulungan ang mga sumusunod na panawagan upang patuloy na maitaguyod ang karapatan ng mga bata at mapalakas lalo ang kanilang pakikilahok hindi lamang loob ng Lingap bagkus sa mga kaugnay na simbahan at pamayanan. Layunin namin na makatulong sa pagtugon sa mga suliranin may kaugnayan sa kalusugan ng isipan, pagtaas ng online sexual abuse at exploitation at pagpapakilos upang makadagdag resource sa ECCAP program.
Kalusugan ng Isipan:
- Tutulong kami na magpadaloy ng mga kampanya at orientasyon tungkol sas kalusugan ng isipan at pagkakaroon ng access sa mental health services sa mga bata at aming pamilya;
- Makikipagtulungan kami sa mga local mental health organizations upang magbigay ng seminars at training para sa mga guro at magulang tungkol sa mental health awareness.
Pagtaas ng Online Sexual Abuse and Exploitation
- Tutulong kami na magpadaloy ng mas maraming kampanya sa mga bata at magulang tungkol sa pag-iingat online at sa mga tamang hakbang upang maiwasan ang pang-aabuso at pagsasamantala;
- makikipagtulungan kami sa mga lokal na awtoridad upang matugunan ang online sexual abuse;
Resource mobilization
- Tutulong kami sa Lingap, sa mga simbahan at pamayanan sa mga fundraising activities upang makalikom ng mga resources upang mas mapalakas at mapanatili ang ECCAP;
- Hihikayatin namin ang mga lokal na simbahan at pamayanan na magsagawa na maglaan ng pondo sa pagpapatupad ng mga programang magsusulong sa child participation and advocacy;